Saturday, August 29, 2020

gising pa at 4am

Di ako makatulog 😒😒😒😒😒😒😒

Nihongo o Benkyoshiyou!

Been teaching Hariell and Zeo some Nihongo and hoping they could carry it til they grow up.

 I recorded some part of our class here . pls click this ->YOUTUBE VIDEO











Wednesday, August 26, 2020

Virtual School

Grabe tong araw na to sa online schooling n yan! Kawawa namn sila hariell at zeo pag umiiksi ang pasensya ko 😥😥😥😥😥 kapag di sila nakikipagcooperate sa akin, hinahabaan ko talaga ang pangunawa ko dahil mga bata pa sila. Kaso kanina, napaiyak na ako sa pikon. Pakiramdam ko, drained na ako. Nalulungkot ako nung nahimasmasan ako. Para akong baliw nagsisigaw kanina. Nagsorry na ako kila Hariell at Zeo. Wish ko kay God, bigyan Niya ako ng mahabaaaaaaaaaang pasensya at madaming lakas para magawa ko ang obligasyon ko sa mga anak ko ng masaya at may pagmamahal. Minsan lang sila bata. Sana maging memorable to sa kanila. 😥

Sunday, August 23, 2020

FamBam

Matagal tagal na din kaming di nagkasma sama. Salamat sa Dios kahit minsan nakkatamad umalis, eto at nagkaoras din magbonding, magtawanan, kumain nang kumain, at magkwentuhan.

ito. Sinundo kami nila tito ojie. Kakatapos lang ng quarantine. Buti di namn kami naharang ng checkpoint haha pede na bumyhe ata mga bata ,🐒

selpon selpon yehey hahaha


Tomjones na kami. Mag12 na ng tanghali. Kila kuya na kami kakain. Yahooooo! Ligtas ako sa luto luto. Makikikain kami ngyon. Sarap sa feeling 😂😂


Di ko na natikman yung iba. Kinain ko na lang yung tira nila Hariell na daing na bangus. Panalong panalo naman. Pero di ko pinalagpas yung laing at tahong. Mga after one hr e kumulo tyn ko. Hhahaha nagrambol. Okay lang. Sarap naman talaga.

Tapos tambay muna kasama mga bata. Sana pede tambay lagi haha. Masaya ako kasi nakasama uli nip hariell si Miroy. Medyo ilang linggo na din silang di nagkita. 


Simplehan lang natin today. Tamang harvest harvest lang ng avocado, sili, luyang dilaw, mga ganun haha. 

Waw bochog hahahaha pbogaboga ka, kuya 😂😂
Ayan, may papaya din pala. Cute. 
Yan, partihan na. Sarap ng libre haha

Umuwi na din kami ng mga 5pm. Uuwi pa sila tito ojie sa pasay eh. Salamat sa Dios. Masaya ako talaga. 

Saturday, August 22, 2020

Bantay Kasaysayan

Gusto ko lang naman ng tahimik at simpleng buhay. Ayoko sana ng madaming tao at usisero na titingin tingin sa mga nangyayari samen. Pero ayokong pigilan si King na ipagpatuloy kung ano ang makakapagpabuo sa kanya. 



Nahilig siya sa pagaaral nung mga panahon na nalayo siya sa kinagisnan niyang mga gawain dati sa religion namin... Hindi siya nagbisyo, hindi siya tumambay, hindi siya nambabae, hindi siya nagsayang ng oras niya. Nagaral siya ng Spanish at nagbasa ng mga libro tungkol sa Pilipinas, kila Bonifacio, sa history, sa English grammar at kung ano ano pa. Pag may barya siya noon, tumitingin siya sa Booksale ng mga libro na kasya sa pera niya. Pag di kasya, babalikan na lang niya o di kaya dun na lng siya mgbabasa.


Nung mag asawa na kami, natatandaan ko, wala pa kaming internet sa bahay at di kmi nakakapagload noon sa celfone kasi di pa masyadong uso yung mga unliData, pagddating si King galing work nya sa AMA nung nagteteacher sya, kahit tulog na ako, ginigising nya ako. Saken nya kinukwento yung mga bagong information na nalaman niya tungkol kila Bonifacio, kila Rizal, tungkol sa KKK. Basta madami, tungkol sa History ng Pilipinas. Para siyang bata na natuto ng mga bagong words at kinukwento nya sa nanay nya. Madalas, di naman ako interesado kasi nung estudynte ako, di naman ko masyadong ngbibigay ng atensyon sa sibika at kultura nun. Basta saken, asa Pilipinas naman ako, Pilipino nman ako, baka okay na yun. Nakagrduate naman ako sa eskwela, okay na yun. 


Pero kay King, hindi eh. Di kasi natapos sa pagbabasa yung kanya. Naging lalo syang curious sa kasaysayan ng mga bayani. Yung paghanga niya kay Andres Bonifacio e tinawid niya hanggang sa pangalan ng  panganay na anak namin tapos nabaling ang research niya kay Marcelo Del Pilar. Naging malalim yung interest niya kay Plaridel kaya nung nasundan ang panganay naming anak,  impluwensya ni Del Pilar naman yung binigay nya sa pangalan ng pangalawa namin. 


Nakagawa ng libro si King galing sa mga intensive research niya at sa malaking awa at tulong ng Dios na ramdam niy e nagsusupply sa kany ng mga datos, dokumento, mga files na madalas nababanggit niya saken na bigla na lang may mg archives sya na makikita sa net, may magbibigay sa kanya, meron syang mabibiling mga lumang libro sa recto o sa quiapo. 


Sa sobrang naging passionate siya sa mga research nya, nagagalit na ako noon. Hindi ko siya buong buo naiintindihan. Wala kasi akong ganung damdaming paglaanan pa ng oras yung walang kinalaman sa personal kong buhay. Pero madaming pinaintindi saken si king. Hindi kasi sya yung tao na okay na ng after magaral, magttrabho na lang. Iba si King. Hindi natatapos yung willingness nya matuto ng bago. Makaalm ng ibat ibang mga impormasyon. Di sya nagsasawa magbasa ng ibat ibang libro. Iba siya. 


 Nalulungkot ako pag di ko siya nasusuportahan.  Kaya nung nagkaron siya ng audience, alam ko, malaking bagay sa kanya yun. Nung ngkaron kami ng internet sa bahay, naramdaman ko na mas ginanahan sya. Magaral, magturo, magshare, makipagusap. Nagkaron sya ng outlet. Nakakaencounter sya ng mga kapareho nyang mahilig sa history, nakakaencounter sya ng mga nagagalit sa kanya, mga ibat ibang tao na dumadaan, nagcocomment, naglalike. 


Ang laki na ng reach ng Facebook Page ni Kingkong na BANTAY KASAYSAYAN. May mga posts na 16k , 24k likes, meron pang 3M ang reach. Namomotivate syang lalong ishare yung mga alterntive research at studies nya tungkol sa history natin. Masaya ako kasi alam ko masaya sya sa ginagawa nya. May mga pagkakataon na hindi ko pa din lubos na naiintindihan pero ang sinasabi ko na lang sa sarili ko, hindi ko pipigilan si King na mag grow at gawin yung gusto nya at hindi ko sya pipilitin na gawin yung ayaw nya. 


Nagaalala lang ako pag may mga bashers sya, mas apektado ako kesa sa kanya. Alam ko naman na kayang kaya nyang pangatwiranan yung mga objection nila. Pero kung ako kasi yun, iiyak na lang ako haha yan din ang isa sa mga hinahangaan ko ke king. Nadadagdagan palagi ang paghanga ko sa kanya. Bilib ako sa kanya pag may naghahanap ng kausap tapos iipitin sya, di yan magpapatalo. Alam kasi nya, tama yung hawak nya eh. Aalis ng pikon yung naghamon tapos sisiraan sya. Pero bilib ako sa pasensya at diskarte ni kingkong. Kaya alam ko hnggat andyan sya, di ako maaagrabyado eh. Alam ko may abogado ako. Kampante ako. 


Basta hinahayaan ko na lang sya. Minsan pag affected ako sa post nya, sinasabi ko sa kanya tapos pinapaliwanag nya saken. Kumakalma naman ako. May pagkakataon, minsan iniisip ko sana tahimik ka na lang pero hindi yun ang natural nya eh. Mas ganado sya pag umaandar ang isip.  Basta kabaligtaran ko. 


Iniisip ko na lang kung ako nga inuunawa nya. Siya pa ba ang di ko uunawain? 



Basta kung san sya masaya, dun ako maligaya. I love you.