Showing posts with label Tagalog post. Show all posts
Showing posts with label Tagalog post. Show all posts

Saturday, November 8, 2014

IKAW by Yeng Constantino



Ikaw
Ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na..
Ikaw, ikaw
Ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng Maykapal
Biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw..



Friday, August 30, 2013

today is atrenta

sweldo ng asawa kong napakasupportive. napaka mapagmahal. maunawain
makapal ang wallet. haha

pinagspa nya ako. facial. pedicure. yummmm. o well. today is my lucky and beauty day.



posted from Bloggeroid

Friday, August 31, 2012

Kung Ano Ano Lang

Ngayon, nakapaglinis na ako ng kwarto ko, nakaligo na din, nakakain na ng lunch. Yung inuutos ni Happy, sya na lang daw gagawa kaya wala na akong ibang gagawin ngayon.Post ko na lang to:

Eto yung maliit na libro ni binili saken ni Happy nung namimili sya ng libro sa Booksale. Mga alternative medicines yan. Sobrang gusto ko kasing maging healthy para mas madami akong magawa habang malakas pa ako. Sa totoo lang, God willing, pag may trabaho na uli ako, isa sa mga babudgetan ko e yung pagkain tsaka gamot na pampalakas ng katawan. Nawala na sa amin si Nany dahil sa cancer, ayoko na sanang maranasan uling mawalang ng mahal sa buhay dahil sa sakit. Panuorin nyo pala to. Baka maconvince din kayo dito. click click click here.
Nagkatrangkaso ako last week. Salamat sa Dios, binilan ako ng gamot ng Tita ko. Kawawa. Mga 3 days mabigat katawan ko. Payatot na nga, nagkakasakit pa. Pero okay na ako ngayon. Ampanget ko dyan! haha









malinis ang bahay ko. parang hotel ang ambiance. Yan ung mga bagong kurtina, courtesy of my tita hihihi









Eto sila Hollow Blocks. mga kuting nung alaga nameng si miming na laging buntis. laging nanganganak pero hindi tumatagal ung mga anak nya. namamatay agad bago lumaki. maygulay.








eto nakakatawa. pinapanuod ko uli kasi palabas araw araw sa dalawang channel dito sa cable namen. click here ----> friends




Pics Galore

Sinamahan ko ung mga katrabaho ko dati na magpagawa ng salamin. Eto kami habang hinihintay yung salamin :)


Before and After daw hehe 
(L) to (R) Joy, Marga and Glessie



SMILE!!!!


Waw chicks! haha

Sunday, March 11, 2012

Wag Mo Kong Iwan


"Wag mo 'kong iiwan."

Apat na salita na madalas ko nang naririnig. Sinasabi ko din to pag di ko alam ung lugar, pag natatakot ako, pag kailangan ko ng kasama. Mga ordinaryong salita, pang-araw araw na ordinaryo lang. Pero nung sinabi saken to ni Happy, naramdaman ko sa loob ng apat na mga salitang yan, nagbilin siya ng buhay nya saken.

"Wag mo 'kong iiwan." ...yan lang ang sinabi nya pero tumakbo sa isip ko ung:

...Dito ka lang.
...Lagi ka lang sa tabi ko.
...Hindi ko kaya ng wala ka.
...Alagaan moko.
...iingatan mo ako ha?
...Gusto kitang kasama.
...Basta sa tabi mo lang ako.
...Kailangan kita.
...Pano ako pag magisa na lang?
...Wag kang aalis.
...Mahal kita.

Wag ka magalala, Happy. Hindi kita iiwan. Kasama natin Siya, haharapin natin ang bawat hamon ng buhay. Dyan ka lang din. Wag mo din akong iiwan:)

Sunday, December 25, 2011

Gusto ko lamang sa buhay - Itchyworms


Ayokong maghintay pa sa imposible
Ayoko ng mga romatikong sine
Ayoko nang umasa pa sa walang silbi

Ayokong tumawid pag pinagbabawal
Ayoko ng kapeng maraming asukal
Ayokong bumili ng underwear na mahal

Chorus:
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako
Hindi naman ako milyonaryo
Basta't araw-araw yakap mo ko
Feeling ko ang yaman yaman ko

Ok lang kung 'di maging presidente
Ok lang kung mawalan ng kuryente
Ok lang kung ang bumbilya'y walang sindi
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/i/itchyworms/gusto_ko_lamang_sa_buhay.html ]
Ok lang kung ketchup lamang ang ulam
Ang gulay ay hindi naman kailangan
Basta't sa sandwich mo ako ang iyong palaman

Chorus:
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako

Hindi naman ako milyonaryo
Basta't araw-araw yakap mo ko
Feeling ko ang yaman yaman ko
Feeling ko ang yaman yaman ko

Bridge:

Ang dami ko pang sinabi
Tungkol sa aking sarili
Lahat ng yun 'di na bale
Ikaw lang ang importante

Yakapin mo ako
Lunurin sa iyo
Sa loob ng 'yong mga bisig
Dama ko ang 'yong pag-ibig

Yakapin mo ako
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako...

[Repeat Chorus]


More lyrics: http://www.lyricsmode.com/lyrics/i/itchyworms/#share

Banat

Kahapon, habang pinapaypayan ako ni Happy...

Happy: Sabi nila sobra daw pagaasikaso mo saken.
Ako: O? hehe
Happy: Di nila alam, inalipin mo ang puso ko.
Ako: hahahahaha *sabay kinileg*
Happy: *nagpapaypay pa din saken*
Ako: *kinikilig pa din*


Ang sweet nameeeeeeeeeeen hahahaha

Tuesday, November 8, 2011

Tuesday, July 19, 2011

Ferdie

One of my friends left a message at the chatbox (see image below):


I do not know why he wants to be in my blog but HERE YOU GO! haha


*************************

Sana, Ferdie, natupad ko ang isa sa mga pangarap mo hahaha maisama yang pangalan mo sa blogspot ko >:p

Drama mo talaga errrrrrr :)))))

FERDIE
FERDIE
FERDIE
FERDIE
FERDIE
FERDIE
FERDIE
FERDIE
FERDIE
FERDIE
FERDIE
FERDIE
FERDIE
FERDIE

okay na?
hahaha

Monday, July 11, 2011

Kuya's Text Message

"Okay lang. Wag mo kami intindihin. Dalawa kami may work. Ikaw mag-ipon, mahaba lalakbayin mo. I love you."

Koya
7-11-2011
11:44am


Tuesday, June 21, 2011

MA-LUNG-KOT

Alam mo yung feeling na malungkot ung loob mo, parang hinahabol mo yung hininga mo tas yung amoy na parang naiiyak ka, gustong tumulo ng luha mo pero di ka pwedeng umiyak kasi madaming tao? Ako alam ko. Ganun kasi ako ngayon eh. Parang andaming sinisigaw ng puso ko. Kaso hindi ko masyadong maintindihan pero ang alam ko, malungkot - ung puso ko... atsaka ako. Malungkot kami. Pero may mga ganitong oras lang talaga ako. Sigurado naman ako na aalis din to mga bukas o kaya sa makalawa. Ang hirap lang kasi bigla bigla na lang ako dinadalaw ng lungkot.

Hinihintay ko yung panahon na hindi na ako makakaramdam ng ganito. Sana maabutan ko pa.

Sunday, June 12, 2011

Rubik's Cube


ang puso ko, parang rubik's cube..

may susubok buuin pero susuko rin.
may pipilit bumuo pero iiwan rin.
may taong dadaan at aayusin..
at pag nabuo na,
bigla ulit sisirain.





LAKAAAAAAAAS!!!!!! hahahahaha patawa ka :)) maarte pa!

Friday, June 10, 2011

Tuktok

Mag-aalas-dos na ng madaling araw gising pa ako. Bukod sa naka-sick leave ako ng limang araw, pangatlo pa lang ngayon, nagiinternet din ako para malibang habang panik-panaog sa kwarto ko. Asa baba kasi si Nanay. Ginawan sya ng higaan ng Tatay ko para hindi na sya mahirapan umakyat-baba sa kwarto nila.

Kung nabasa mo ung post ko tungkol ke Adela, alam mo na na meron syang sakit. May cancer sya. Una, breast cancer ung nadiagnose sa kanya, siguro mga lima o anim na taon na ata. Tapos, nung nakaraang taon, sabi ng doktor, kalat na ung cancer nya sa buto. Nahawa na. Nabalian ng buto si Nanay, magiisang linggo na, kaya nakabenda ung braso nya, sementado. Kanina, galing sila ng Tito ko sa ospital, ang sabi ng Doktor, hindi na daw ooperahin si Nanay para itama ung nabaling buto nya kasi marupok na ung iba nyang buto. Nakita nga sa result ng bonescan, napakadaming tama na ng mga buto nya. Meron na rin pati sa ulo. Pero nagpapasalamat ako sa Dios, kahit na kalat na ung sakit nya, hindi nanghihina si Nanay, lumalaban kasi sya, tsaka masayahin sya. Sabi nga ng Doktor, dapat ung mga ganung kaso, ung pasyente, bed ridden na, madami nang sumasakit. Pero si Nanay, eto, awa ng Dios, nakakalakad naman, hindi nawawalan ng gana kumain.

Sabi ko nga, akyat baba ako kasi pag kumatok si nanay sa hagdanan, ibig sabihin tinatawag nya ako. Yun ung sinabi kong gawin nya para hindi na sya sumigaw ng pangalan ko. Madali ko namang madinig ung tuktok nya kasi wala namang pintuan ung kwarto ko. Pagbaba ko ng hagdanan, andun na ung kama nya. Nakailang tuktok na din si Nanay para tawagin ako. Kadalasan para samahan sya sa CR. Kailangan kasi buhusan ng dalawang beses ung inidoro pagkaihi nya kasi may radioactive ung ihi nya. Makakasama sa mga bata kong pinsan pag nadikit sa kanila.

Etong huli kong baba, hindi naman sya tumuktok pero pagkakita ko, wala sya sa kama. Nasa CR to malamang, sabi ko sa sarili ko. Andun nga sya. Sakto, sabi nya buhusan ko daw ung kubeta. Tapos sabi nya, ipagtimpla ko daw sya ng gatas. Tapos, nagugutom daw sya. Wala naman kaming makitang kukutin dun sa kusina. Sabi nya kasi gusto nya daw ng Sky Flakes. Ala-una pasado na, gusto nya ng Sky Flakes. Sa normal na pagkakataon, malamang sa hindi, iingil ako para sabihin na gabi na Nay, walang Sky Flakes. Iba na lang, ano gusto nyo? Walang Sky Flakes. Kaso biglang pumasok sa isip ko na dati, nung hindi nakabenda ung kamay nya, lalabas sya ng bahay para bumili sa tindahan, maski medyo gabi na pag sinabi kong gusto ko ng pansit canton. Maski kelan, parang hindi ko matandaan na hinindian ako ng Nanay ko pag meron akong inutos sa kanya sa tindahan. Hindi kasi ako pala-labas ng bahay kaya sanay sya na bumibili para saken. Sabi ko sa sarili ko, gusto ni Nanay ng Sky Flakes. Walang ibang taong gising kundi ako tsaka sya lang. Kanino pa sya maguutos? Hindi ko na pinatagal, ang sabi ko, ilan ang gusto nya? Tatlo daw. Wala na bang iba, Nay? Sky Flakes lang? Oo daw. Kumuha ko ng pera, nagbihis, naglakad ako sa tindahan. Buti bukas pa ung isang tindahan malapit kila Kapitan. Kung sarado un, dadayo ako sa 7-11 sa kanto namin. Bumili ako ng pitong Sky Flakes, dalawang pansit canton, tsaka Rejoice. Bale ung iba, akin. Sinabay ko lang.

Pagbalik ko sa bahay, nakita ko si Nanay, kumakain ng biscuit! Pmbihira, may biscuit pala, lumabas pa ako. Pero okay lang, hindi naman ako nainis. Kasi nabili ko ung gusto nya. Sa ordinaryong pagkakaton, malamang, nagreklamo na ako kasi lumabas pa ako tapos may pagkain naman pala. Naispoiled kasi ako masyado ni Nanay kaya hindi rin ako sanay ng inuutusan. Pero ngayon, bawat kibot, utos nang utos si Nanay. Ayokong mainis kahit minsan nakakapagod kasi kung ano maisipan nya, iuutos sayo. Kaso sya un eh. Naiisip ko na lang, nung bata nga ako, maski makulit ako, lagi nya akong inaalalayan. Nung bata nga ako, pinapaliguan nya ako. Nung bata ako maski ngayong malaki na ako, pag may sakit ako, binibilan nya ako ng gamot, dinadalan ng pagkain. Nililinis nya ung kwarto ko, tinutupi ung mga damit, pinaghahainan pagkadating ko sa trabaho. Ngayong sya naman ang may kailangan saken, maiinis ba ako? Magsasawa ba ako? Kung tutuusin, hindi naman nya ako uutusan kung kaya nya lang eh. Kaso hindi na nga nya kaya eh. Kaya ako naman.

Habang nasa kusina kami:

Nanay: Asan na ung will na ginawa natin sa computer mo dati?

Ellay: Andyan. Kaso hindi pa po napiprint.

Nanay: Halika, ayusin natin. Kasi ung apartment, gusto ko lalake, babae, lalake, babae. (ibig nyang sabihin, ipapamana nya sa anak nyang lalake, babae, lalake, babae. Apat kasi anak nila ni Tatay. Sakto sa apartment nilang apat na pinto)

Ellay: O sige, pero bukas na. Gabi na eh.

Nanay: *ngumiti. Sabay nagsalita na naman* Yung mga singsing ko, eto, bibigay ko ke Mommy mo. Yung bigay ni Mommy mo dati saken, bibigay ko ke Ate Elvie mo. Yung iba ke Ate Jane mo. Yung mga hikaw, ke Tita Lyn. Meron pa ung parang plawer.

Ellay: Plawer na hikaw? Parang hindi ko pa nakikita yun.

Nanay Meron yun. Bibigay ko na lang din yun. Tapos yung mga pera, hindi ko nga alam kung kanino ko iiwan.

Ellay: *natawa ako* Hay nako! Basta yung pera, wag nyo saken iiwan! Hahaha Mahirap na! Iwan nyo kila Tito Ojie.

Nanay: *natawa din* Bibigay ko na lang kila Ojie, kila Jane. Bahala na sila magabot ng pera ke Tatay mo. Pang-gamot.

Ellay: Nalulungkot ka, Nay?

Nanay: Oo pero natanggap ko na na kung kukunin ako ni Lord, hanggang dun na lang talaga.

Ellay: Oo nga. Kung tutuusin, mahaba na din ipinagkaloob nya sa inyo. Yung iba nga, trenta pa lang, tsugi na. Hindi na nila nakita yung mga anak nila.

Nanay: *tumango lang*

Ellay: Pero ako, hindi nyo na makikita mag-asawa no?

Nanay: *natawa* Hindi na.

Ellay: Hahaha De, bukas, magaasawa na ako!

Nanay: *ngumiti lang*

Ngumiti lang si Nanay pero yung mata niya, nararamdaman ko, may lumbay. Nagaalala siguro sya na maiiwan nya kami. Maski kelan kasi hindi nya iniwan tong pamilya nya para maglakwatsa. Lagi syang nagluluto, nagaasikaso. Kung minsan lalabas sya para mag-tong its o mag-majong, sigurado un, maayos na ung bahay bago sya umalis.

Nanay: Hinahanap ko ung luto ko.

Ellay: *tinignan ko lang sya. Hindi ko kagad nagets*

Nanay: Gusto ko uli magluto.

Ellay: *ngumisi lang*

Nanay: Naisip ko, nung ung Nanay ko, kahit matanda na sya, maski wala na syang silbi non, nakahiga lang, masaya sa loob na napagsisilbihan ko sya. Kahit wala na syang ginagawa, nagiisip bata, basta andyan lang sya, okay sa akin. (ung Nanay kasi ni Nanay bale lola ko sa tuhod, namatay ng 99 years old. Naabutan ko pa sya. Namatay ata sya highschool na ako. As in matanda na talaga. Naligwak lang sya dahil sa katandaan. Wala kasing sakit un eh)

Ellay: Wala syang sakit dati Nay eh no? E kayo, ano gusto nyo, mabuhay ng matagal pero may sakit o mawala na tapos magpapahinga na lang kayo.

Nanay: Oo nga...

Etong mga susunod na salita, mabagal kong sinasabi dahil kinokontrol ko ung boses kong manginig, tsaka ung luha kong mamuo sa mata ko.

Ellay: Basta Nay, pag wala ka na, aalis na lang ako ha? Magaabroad na lang ako.

Nanay: Ikaw ang bahala.

Ellay: Magiipon na lang muna ako pag wala ka na.

Nanay: *kumakain lang ng Sky Flakes habang sinasawsaw sa gatas*

Pero kahit na anong pigil ko sa nararamdaman ko, lumabas din sya. Hindi ko matignan sa mukha si Nanay habang naginginig ung boses ko. Lumabo ung mata ko dahil sa luha.

Ellay: Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko pag wala ka na e.

Nanay: E di mag-ayos ka ng sarili mo. Pag wala na ako, lilinisin mo ung kwarto mo.

Ellay: Hindi, aalis na lang ako. Maghahanap na lang ako ng papatirahin sa kwarto ko.

Natapos ang usapan namin nung saktong maubos na ung gatas nya. Hinugasan ko ung pinaginuman nya, nagCR sya uli, binuhusan ko ng dalawang beses yung inidoro, tsaka ko sya hinatid sa higaan nya.

Magaalas-dos na ng madaling araw. Nagpaalam na ako ke Nanay na hindi na ako bababa. E pano daw pag tumuktok sya? Sabi ko, sige lang. Katok ka lang. Basta pag kumatok ka, bababa ako. Matulog na kayo. Good night, sabi ko.

Eto, kakasilip ko lang sa kanya uli. Natutulog na sya. Nakatagilid sa kaliwa dahil nga sa sementado ung kanan nyang braso. Matutulog na din ako. Pero pipilitin kong magising sa awa ng Dios pag tumuktok sya. Hindi ko kasi alam kung hanggang kelan ko sya pwedeng mapagsilbihan sa kahit maliit na paraan lang. Basta pag narinig ko ung tuktok nya sa hagdanan, babangon ako, awa at tulong ng Dios... kahit anong oras pa.

Thursday, May 26, 2011

Nalulungkot Ako

Dahil sa maraming bagay, nalulungkot ako. At tsaka oo, Tagalog ang post ko ngayon.