Monday, November 19, 2018

See you

Sana magkakilala tayo sa langit.
Sayang... Mahal kita.


Pag naaalala ko, nalulungkot pa din ako.

Wednesday, November 14, 2018

Twinkle Twinkle Little Star

Twinkle twinkle little star
How i wonder what you are

Oo. Palagi akong magwawari kung sino ka kaya kung hanggang ngayon asa loob ka pa ng aking womb. Kung ano ka kaya pagdating ng panahon. Maraming hypothetical question na gustong itanong.

Kagaya nung araw na sobrang busy sa trabaho na nararamdaman kong parang sumasakit ang puson ko. Akala ko naman normal lang kaya di nirereklamo. Yun pala nagbabadya ka nang umeskapo. Kung sa clinic kaya ay nagpunta ako, mapeprevent kaya ang drama nato? Wala talaga. Ni sa hinagap di ko inakala dahil ang mga kuya mong nauna e kumapit nang mahigpit kahit san kami makarating sa sinapupunan ko pilit silang nagsumiksik. Kung ako kaya ay nagpahinga at nagsickleave..hayyy... Andami kong what if.

Anim na linggo ka pa lang, iniwan mo na ako. Excited na sana ako magsuka-suka basta sure ko lang na makikita kita. Kahit lagi ako mahilo basta after ilang months magkakasama tayo. Kahit normal delivery uli ang tiisin basta ikaw ay mayayakap din.

Nalulungkot pa din ako pero tanggap ko na. Nanghihinayang lang talaga ako.



Monday, November 12, 2018

I dunno...

How do you love a person who never got to be?
How do you envision a face you never get to see?
How do you mourn the death of someone who never get to live?
How should i feel to witness you die before you were even born?


How can i miss something so bad that i barely even had 😢

Sunday, November 11, 2018

Nov. 9, 2018

Pwede pala talagang magluksa sa pagalis ng kahit kelan ay di mo man lang nakilala. Kahit nga makausap o makita ang mukha eh hindi nagawa. Nakakalungkot dahil akala mo makakasama sya yun pala biglang mawawala.

Plano ka pa lang ang ganda mo na.
Pano pa kaya kung nangyari ka pa.

Ikaw ang isa sa mga magiging  dahilan
Bakit ako magpupursigi makarating sa Kaharian.

Ang alaala mo ay magpapaalala sa akin na kahit di ka pa sinilang, minsan pa ako'y naging ina. Na kahit sa limang linggo lang na nasa sinapupunan, nakaukit ka na sa puso ko at isipan. Hanggang ako ay malagutan at sa Paraiso ako sana ay mapagbigyan na makilala ka at baka pwede kang mahagkan kahit na kelan ni hindi kita nasilayan malalaman kong ikaw yan.

Hindi ko man alam kung ikaw ay babae o lalake o kagaya ng kuya mong maputi o baka kagaya ka ng isa mong kapatid na laging nakangiti. Maraming tanong at mga sana pero ang pagasa ko ay ang Dios ang nakakakita ng pinakamabuti sa mga lingkod Niya at ito ang pinakamabuti para satin, yan ang aking pananampalataya.


Wednesday, February 14, 2018

Young Living Essential Oils

I am so into this Young Living.
I am so loving essential oils. They are so beneficial and relaxing. So happy I invested on this. You may wanna visit my IG and click the link on the bio for more info. IG: ellayelladel


Ellay and Mommy Convo

Mommy: Neng, natutunaw nako dito
Ellay: Di ka na sanay dito sa Pilipinas, Ma, no? Nagkakasakit ka na po.
M: e ilang taon na din kasi ako nakatira dun e
E: Ilan nga po, Ma? Mga mahigit 25?
M: Oo. Ikaw, Neng, ano ba. Gusto mo ba ako dito?
E: hay nako, mommy, basta ako, ang gusto ko kung saan hahaba ang buhay mo, dun ka. Kahit malayo ka saken basta maayos ka, yun ang gusto ko.
M: neng, ganyan ka na mag isip ngayon? Dati, tuwing aalis ako, umiiyak ka lagi. Haha ngayon, okay na sayo?
E: syempre gusto ko sana dito ka pero kung mahihirapan ka naman, wag na lang.

At umiyak na sya. Haha
I love you, Ma. Habang buhay po.







Sunday, February 11, 2018

I love mommy

She did not mind the long que just to catch the night bus and go home with me.

You still look beautiful, Ma, even with that mask on.








Thank God for giving you to me. I LOVE YOU.