Monday, June 10, 2013

1st month

sa isang buwan nating pagsasama araw at gabi salamat sa Dios! sa mga gabing di tayo nakakatulog ng maayis at sa mga araw na ganun din, ayos lang yan.. mahaba  pa pagdadaanan naten. sana lumaki kang masunurin sa magulang, lalo nat masunurin sa Dios. ingatan ka nawa anak ko. mahal ka namin ng tatay mo.  palaki ka pa ha :) pakiss :)

Saturday, June 8, 2013

post ng isang nanay

magiisang buwan na simula nung manganak ako at awa ng Dios ay nakapagsilang ng isang malusog(at mahabang) batang lalake. normal ang panganganak ko. sobrang hirap at masakit. di ko ata makakalimutan gano kasakit un haha bwiset. pero awa ng Dios 30minutes lang ako nanganak. kung ano ano na sinasabi ko sa mga doktor. pag naaalala ko natatawa na lang ako. lol

so kung alam nyo na, di ako mahilig sa bata kaya nahihirapan ako magalaga sa anak ko. pero okay naman. nasasanay nadin ako gumising ng madaling araw, matulog ng paputol putol tsaka maghele hele. di lang maiwasan mapagod. hirap talaga. tsaka kelangan ng mahabaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang pasensya.

pogi ng anak ko. moreno tangos ng ilong straight ang buhok ang haba ng mga biyas (mana sa tatay nya) ganda ng tenga mana din sa tatay.... sana lumaki syang mabait kagaya ng tatay nya. sana d sa mana saken haha tigas ulo maldita hoho...