Tuesday, November 1, 2022

Wellness Time~ ❤



Napapanuod ko lang to sa Youtube, ang Jim Street, nung dating nagsearch ako ng mga chiropractor na mga videos. Dati ko pa gusto puntahan to kasi sa Bacoor lang pero ngayon lang ako nakapunta. Di mahirap puntahan. Nag Grab nga lang ako tapos eksakto na ang pin kaya walang ligaw ligaw.



Di ko naman akalain na yung wellness package nila e jampack! Akala ko simpleng massage at cracking lang.


Una pa lang, binabad ang paa ko sa mainit na tubig tapos pinindot pindot na. Sabi ko nga, okay na ata ako hahaha to the point kasi ang mga pagpindot.

Tapos nagsteam na. Ang bango kasi ginger steam ang usok sa pop-up sauna nila. di na palipat lipat ng pwesto kasi may mga sinesetup sila na mga portable na steam at stand up na bihisan kaya dun ka lang sa isang lugar. Kung babae ka ay iaassist ka ng babae kaya di naman nakakailang.

After ng steam, stretching na at may 1st session ng alignment sa leeg at sa likod. Sarap talaga kasi yung mga buto ko parang dikit dikit na e. Nung tumunog, parang nagsiputukan yung mga buto tapos luminya ng maayos 😅 parang dumighay yung mga grupo ng buto tapos ansarap sa feeling.

Ayun... tapos nga pumwesto na sa massage table. Ang wife ang nagmasahe habang may kinabit na kuryente sa binti at tuhod ko. Merong ventosa cups sa likod ng ilang minuto tapos tinanggal na at hinagod ng hot stone. Kung susumahin ko nga kung hiwahiwalay na singil ang mga ginawa saken, aabot din ng 3k yun or kung sa mga high end kang spa e lampas 5k yorn.  Pero sa Jim Street, 1k lang ang package! Tapos meron pang combination massage.

After ng masahe, ang di ko makalimutan e yung pinaandar sa likod ko ang ventosa cup. Inislide ng ilang beses galing sa lowerback paakyat sa balikat. Nakakakilabot pero di matuloy ang kilabot ko kasi may nakakabit na kuryente sa mga binti ko 😅 nauudlot ang kilabot pag nanginginig ang kuryente.

Then, pinagpahinga lang ako ng ilang minutes bago nag 2nd alignment. Yung leeg ko pinalaylay sa dulo ng higaan. Pinakalma bago nag neck cracking uli. Kala ko naiwan yung ulo ko kasi biglang gumaan yung feeling ko 😅 Eto ang cherry on the top. Hinila hila ang arms and legs ko. Yung kaliwa kong binti nung hinila, nagulat ako kasi may naramdaman ako sa loob sa may bandang tadyang ko na nagclick. Parang may mga butong bumalik sa pwesto. Nakakaamaze yung feeling na yun. Pwera OA.

Yung last part e masakit pero masarap. Yung mga makukunat kong buto sa likod, tumunog ng parang nagsidighayan uli sila. Nanlalambot na nga ako sa sarap 😅

Total ng mga umabot din ng halos 2 hrs. o mga 1.5hrs mga ganun.

Dinagdagan ko ng konti ang bayad ko, pangtip kasi naman the best talaga. As in!

Instructor ng Tesda ang owner at chiro na si Sir Jim. Message lang kayo for inquiries ng time slot kasi dinadayo talaga sila e.

Balik uli ako nxt mth God willing. Once a mth lang daw kasi pag maintenance lang. Pero pag may condition ka, baka kelangan nyo madalas pa-align. Message lang kayo sa kanila.


Ang aliwalas ng itsura ko dito pramis. nung dumating ako bago nyan, hulas na hulas ang mukha ko. Nakakaawa. 😅