Friday, August 31, 2012

Kung Ano Ano Lang

Ngayon, nakapaglinis na ako ng kwarto ko, nakaligo na din, nakakain na ng lunch. Yung inuutos ni Happy, sya na lang daw gagawa kaya wala na akong ibang gagawin ngayon.Post ko na lang to:

Eto yung maliit na libro ni binili saken ni Happy nung namimili sya ng libro sa Booksale. Mga alternative medicines yan. Sobrang gusto ko kasing maging healthy para mas madami akong magawa habang malakas pa ako. Sa totoo lang, God willing, pag may trabaho na uli ako, isa sa mga babudgetan ko e yung pagkain tsaka gamot na pampalakas ng katawan. Nawala na sa amin si Nany dahil sa cancer, ayoko na sanang maranasan uling mawalang ng mahal sa buhay dahil sa sakit. Panuorin nyo pala to. Baka maconvince din kayo dito. click click click here.
Nagkatrangkaso ako last week. Salamat sa Dios, binilan ako ng gamot ng Tita ko. Kawawa. Mga 3 days mabigat katawan ko. Payatot na nga, nagkakasakit pa. Pero okay na ako ngayon. Ampanget ko dyan! haha









malinis ang bahay ko. parang hotel ang ambiance. Yan ung mga bagong kurtina, courtesy of my tita hihihi









Eto sila Hollow Blocks. mga kuting nung alaga nameng si miming na laging buntis. laging nanganganak pero hindi tumatagal ung mga anak nya. namamatay agad bago lumaki. maygulay.








eto nakakatawa. pinapanuod ko uli kasi palabas araw araw sa dalawang channel dito sa cable namen. click here ----> friends




No comments: