Walang pasok ngayon si Hariell sa school. Super lakas ng ulan pati hangin. Buti suspended ang klase dahil talaga namang nakakatamad kumilos. Sarap matulog ng mahaba! Sarap alalahanin nung dalaga pa ako, pag umuulan, nagrerequest ako ng 3pm shift sa trabaho para hanggang ala una ng tanghali e tulog ako haha babangon ako at kakain na lang tapos ligo tapos pasok na sa work. Naku pag ngayon e bumangon ako ng ala una ng tanghali, panigurado e nagwawak Na ang mga amo kong toddlers! Hahaha baka nga alas dyes pa lang, manggigising na sila. Di nako pede matulog hanggang ala una dahil kelangan ko pa magsaing at magluto ng ulam, maglampaso at magwalis at magpaligo ng mga bata at magpakain, maghugas ng dede at magligpit ng kama. My gulay haha burn!
Kanina pinaligo ko sila sa ulan. Maligaya ako pag nakikita ko silang masaya. Nakakapagod silang alagaan pero kakaiba ang pakiramdam na inaalagaan ko sila. Pag wala sila, namimiss ko sila. Although pag magkakasama kami e nakukunsumi ako pero gusto ko lagi ko sila nakikita at kasama. Kahit maingay sa bahay , mas gusto ko na maingay na sila ang nagiingay kesa tahimik na wala sila. Yun na lang ang importante, basta kasama ko sila kahit mahirap, pak ganern na.
Tulog si zeo.ngayon... Si hariell nagcecelfone. Tahimik ang mundo ko pansamantala. Pero baka mga after 30 mins, gyera na naman hahaha eto na buhay ko ngayon. Yakapin at samantalahin habang bata pa sila. Dahil pag laki nila sa kalooban ng Dios, naku for sure di na nilA ako kailangan haha
No comments:
Post a Comment