Saturday, May 4, 2019

Para kay Choy

November 2008
 Di naman sya nawala sa alaala ko kahit nang ako ay magkapamilya na. Naging bahagi sya ng aking malungkot na nakaraan noong mga panahong ako ay sabik sa pagmamahal. Napakamaunawain niya. Hindi sya kelanman naging madamot. Kung bukas lang ang puso ko, alam ko na masarap syang mahalin. Antagal niyang umasa na isang araw, matututunan ko din ibalik ang pagtingin na ibinibigay nya saken noon. Kaso natangay ang puso ko ni king noon kaya hindi ko kayang sumagot ng oo sa iba. Ang bait bait nya. Ngayon ko nababalikan. Kamusta nga kaya sya? Humingi na ako ng patawad dati kaso di ko alam kung naging sapat ba yun. Ang hirap at ang sakit maiwan sa ere. Sa tingin ko, hindi sapat ang nahingi kong tawad.

Kanina, bigla ko lang naisip isearch uli ang pangalan nya sa facebook. Alam na alam ko pa din ang spelling ng kakaiba nyang pangalan. Ae**** ********za

Nag iba ng bahagya ang itsura nya. Di na sya tabatchoy na choy ko kagaya nung  sinubukan syang gustuhin lampas 10 yrs ago. Parang kelan lang, sya ung kausap ko hanggang madaling araw, nagdadrama, nagtatawanan, nagkikiligan. Medyo iba na ang dating nya ngayon. Mukang madami na syang kaibigan. Tahimik lang kasi yun. Pero saken napakadaldal. Mukang di na rin ata sya active sa Church namin. Di ko sigurado. Sinubukan ko syang kamustahin. Nagmessage ako ng pangalan nya kaso binlock ako sa FB. Langyang yun. Pero okay lang. Ano nga ba naman naman kasi ang dahilan ko para mangamusta pa. 

Naalala ko lang naman sya out of  nowhere. Baka lang naman may reason din baket. Ewan ko. Pero sana okay sya.


Binalikan ko saglit ang dati kong blog. Andun kasi sya eh. Malungkot na masaya. Sinubukan ko pero hindi talaga uubra. Gusto ko makipagkamustahan kaso ayaw nya. Nagpaalam naman ako sa asawa ko. Wala namang kaso pero ayaw na nya ako kausap. Sana okay lang sya lagi. Yun na lang.


Permission to post
Hindi ko alam bakit sya nagRIP
Pero wag sana nyang tuldukan. Sayang ang mga taon. Sana ituloy nya uli ang pagbilang. 









No comments: