Nung nalaglag ka sa lupa at para bang wala nang gustong pumansin sayo dahil hindi ka na kasingganda at kasingkinang kagaya ng dati, ikaw pa rin ung gusto kong makasama habangbuhay.
Noong para bang wala nang kwenta ang bawat araw, ang paniniwala ko, ibinigay uli tayo sa isat isa para maintindihan natin kung gano pa din katamis ang mabuhay sa gitna ng kawalan, sa gitna ng kapaitan, sa gitna ng kahihiyan at kahirapan.
May pagpapasalamat pa din sa Kanyang nagbigay ng kulay sa mundo nating parang nawalan ng buhay.
Napakadami nating natutunan sa mga nagdaang panahon. At salamat sa Dios na habang tayo ay natututo, di naman tayo pinapapabayaan.
At ngayon nga, taas noo ako, di man sa maraming salita, na bumabati at nagagalak na nasaksihan ko ang mga pangrap mong unti-unting natutupad.
Kasama mo kami ng pamilya mo sa hirap at ginhawa, may pera o wala, sa kalungkutan at kasiyahan, sa tampuhan at lambingan.
Salamat sa Dios. Ikaw ang kasama ko sa buhay na ito.
Pa-autograph naman dyan! Naaaaaks! haha -MHDP
No comments:
Post a Comment