Saturday, April 10, 2021

Masamang Panaginip

Time check: 0742H
Ang aga aga. Tulog pa talaga ako ng mga ganitong oras. Kaso nagising ako, ramdam ko pa yung bigat sa dibdib. Nanalangin muna ako bago ako umupo... Gising na din si Kingkong, nanunuod ng movie...

Tinawag ko sya tapos niyakap. Sabi nya nanaginip ka na naman? ...Nung mga nakaraang araw kasi napapanaginipan ko yung mga ex ko. Natatawa sya pag nagkukwento ako. Kaso iba tong napanaginipan ko. Dahil nung tinanong nya, ano daw napanaginipan ko? Minuestra ko sa kamay ko na wala ka na daw.

Umiyak ako. Ang bigat sa loob. Naaalala ko halos lahat. Sobrang lungkot. Ang lungkot lungkot ko.

Pano daw sya namatay? ....Di ko matandaan eh pero nung nalaman ko daw, sinarili ko muna. Wala pa akong pinagsasabihan. Pero paikot ikot lang ako, di ko alam ang gagawin. Andun sila Hariell at Zeo, pinipilit ko daw maging maayos. May tao din na nagcocomputer, di ko masyado matandaan. Paikot ikot lang ako. Tapos, may nakita daw ako sa social media na nagpost tungkol ke king na parang you are a great loss ganyan ganyan... So naisip ko na may nakakaalam na? ...tumawag daw ako kay Tito Ojie pero si ate jane ang sumagot. "Ate Jane....." "Ano neng? Malubha ba sila DV?" ...."Di ko po alam yung kay Sir Dex pero si King....." — "Wag mo na sabihin......" 

May dumating daw sa babang kwarto. Iniisip ko daw na sana si King yun. Sana di sya nawala. Kaso ang dumating daw para samahan ako ay sina Tita Lyn, tapos may isa pa (si Tito Ode ata yun), tapos si Tito Ojie. Dumating sila para samahan at tulungan ako. Di ko talaga alam anong gagawin ko sa panaginip ko. Sobrang lungkot at lutang.

May parang music video pa daw na bagong gawa nun si king saken kaso di na pala sya makakauwi. 

Habang kinukwento ko ke kingkong yung panaginip ko, nakikinig syang mabuti. Lungkot talaga ako. Ang bigat sa dibdib. 

Tapos sabi nya yung pinapanuod nya din daw na movie ngayon, papatayin daw yung asawa.

Di ko alam sa panaginip ko kung magkasama kaya sila king at DV nun? Di ko alam. basta sana wag muna. Ang hirap nun. Haaaaayyyyy...... :(

No comments: