Sunday, March 11, 2012

Wag Mo Kong Iwan


"Wag mo 'kong iiwan."

Apat na salita na madalas ko nang naririnig. Sinasabi ko din to pag di ko alam ung lugar, pag natatakot ako, pag kailangan ko ng kasama. Mga ordinaryong salita, pang-araw araw na ordinaryo lang. Pero nung sinabi saken to ni Happy, naramdaman ko sa loob ng apat na mga salitang yan, nagbilin siya ng buhay nya saken.

"Wag mo 'kong iiwan." ...yan lang ang sinabi nya pero tumakbo sa isip ko ung:

...Dito ka lang.
...Lagi ka lang sa tabi ko.
...Hindi ko kaya ng wala ka.
...Alagaan moko.
...iingatan mo ako ha?
...Gusto kitang kasama.
...Basta sa tabi mo lang ako.
...Kailangan kita.
...Pano ako pag magisa na lang?
...Wag kang aalis.
...Mahal kita.

Wag ka magalala, Happy. Hindi kita iiwan. Kasama natin Siya, haharapin natin ang bawat hamon ng buhay. Dyan ka lang din. Wag mo din akong iiwan:)

No comments: