Tuesday, June 21, 2011

MA-LUNG-KOT

Alam mo yung feeling na malungkot ung loob mo, parang hinahabol mo yung hininga mo tas yung amoy na parang naiiyak ka, gustong tumulo ng luha mo pero di ka pwedeng umiyak kasi madaming tao? Ako alam ko. Ganun kasi ako ngayon eh. Parang andaming sinisigaw ng puso ko. Kaso hindi ko masyadong maintindihan pero ang alam ko, malungkot - ung puso ko... atsaka ako. Malungkot kami. Pero may mga ganitong oras lang talaga ako. Sigurado naman ako na aalis din to mga bukas o kaya sa makalawa. Ang hirap lang kasi bigla bigla na lang ako dinadalaw ng lungkot.

Hinihintay ko yung panahon na hindi na ako makakaramdam ng ganito. Sana maabutan ko pa.

1 comment:

Anonymous said...

Bakit mo iisipin ang mga bagay na nagpapalungkot sa iyo kung marami namang bagay ang nagpapasaya sa iyo? - gasgas na quote pero palong-palo.