Mag-aalas-dos na ng madaling araw gising pa ako. Bukod sa naka-sick leave ako ng limang araw, pangatlo pa lang ngayon, nagiinternet din ako para malibang habang panik-panaog sa kwarto ko. Asa baba kasi si Nanay. Ginawan sya ng higaan ng Tatay ko para hindi na sya mahirapan umakyat-baba sa kwarto nila.
Kung nabasa mo ung post ko tungkol ke Adela, alam mo na na meron syang sakit. May cancer sya. Una, breast cancer ung nadiagnose sa kanya, siguro mga lima o anim na taon na ata. Tapos, nung nakaraang taon, sabi ng doktor, kalat na ung cancer nya sa buto. Nahawa na. Nabalian ng buto si Nanay, magiisang linggo na, kaya nakabenda ung braso nya, sementado. Kanina, galing sila ng Tito ko sa ospital, ang sabi ng Doktor, hindi na daw ooperahin si Nanay para itama ung nabaling buto nya kasi marupok na ung iba nyang buto. Nakita nga sa result ng bonescan, napakadaming tama na ng mga buto nya. Meron na rin pati sa ulo. Pero nagpapasalamat ako sa Dios, kahit na kalat na ung sakit nya, hindi nanghihina si Nanay, lumalaban kasi sya, tsaka masayahin sya. Sabi nga ng Doktor, dapat ung mga ganung kaso, ung pasyente, bed ridden na, madami nang sumasakit. Pero si Nanay, eto, awa ng Dios, nakakalakad naman, hindi nawawalan ng gana kumain.
Sabi ko nga, akyat baba ako kasi pag kumatok si nanay sa hagdanan, ibig sabihin tinatawag nya ako. Yun ung sinabi kong gawin nya para hindi na sya sumigaw ng pangalan ko. Madali ko namang madinig ung tuktok nya kasi wala namang pintuan ung kwarto ko. Pagbaba ko ng hagdanan, andun na ung kama nya. Nakailang tuktok na din si Nanay para tawagin ako. Kadalasan para samahan sya sa CR. Kailangan kasi buhusan ng dalawang beses ung inidoro pagkaihi nya kasi may radioactive ung ihi nya. Makakasama sa mga bata kong pinsan pag nadikit sa kanila.
Etong huli kong baba, hindi naman sya tumuktok pero pagkakita ko, wala sya sa
Pagbalik ko sa bahay, nakita ko si Nanay, kumakain ng biscuit! Pmbihira, may biscuit pala, lumabas pa ako. Pero okay lang, hindi naman ako nainis. Kasi nabili ko ung gusto nya. Sa ordinaryong pagkakaton, malamang, nagreklamo na ako kasi lumabas pa ako tapos may pagkain naman pala. Naispoiled kasi ako masyado ni Nanay kaya hindi rin ako sanay ng inuutusan. Pero ngayon, bawat kibot, utos nang utos si Nanay. Ayokong mainis kahit minsan nakakapagod kasi kung ano maisipan nya, iuutos sayo. Kaso sya un eh. Naiisip ko na lang, nung bata nga ako, maski makulit ako, lagi nya akong inaalalayan. Nung bata nga ako, pinapaliguan nya ako. Nung bata ako maski ngayong malaki na ako, pag may sakit ako, binibilan nya ako ng gamot, dinadalan ng pagkain. Nililinis nya ung kwarto ko, tinutupi ung mga damit, pinaghahainan pagkadating ko sa trabaho. Ngayong sya naman ang may kailangan saken, maiinis ba ako? Magsasawa ba ako? Kung tutuusin, hindi naman nya ako uutusan kung kaya nya lang eh. Kaso hindi na nga nya kaya eh. Kaya ako naman.
Habang nasa kusina kami:
Nanay: Asan na ung will na ginawa natin sa computer mo dati?
Ellay: Andyan. Kaso hindi pa po napiprint.
Nanay: Halika, ayusin natin. Kasi ung apartment, gusto ko lalake, babae, lalake, babae. (ibig nyang sabihin, ipapamana nya sa anak nyang lalake, babae, lalake, babae. Apat kasi anak nila ni Tatay. Sakto sa apartment nilang apat na pinto)
Ellay: O sige, pero bukas na. Gabi na eh.
Nanay: *ngumiti. Sabay nagsalita na naman* Yung mga singsing ko, eto, bibigay ko ke Mommy mo. Yung bigay ni Mommy mo dati saken, bibigay ko ke Ate Elvie mo. Yung iba ke Ate Jane mo. Yung mga hikaw, ke Tita Lyn. Meron pa ung parang plawer.
Ellay: Plawer na hikaw? Parang hindi ko pa nakikita yun.
Nanay Meron yun. Bibigay ko na lang din yun. Tapos yung mga pera, hindi ko nga alam kung kanino ko iiwan.
Ellay: *natawa ako* Hay nako! Basta yung pera, wag nyo saken iiwan! Hahaha Mahirap na! Iwan nyo kila Tito Ojie.
Nanay: *natawa din* Bibigay ko na lang kila Ojie, kila Jane. Bahala na sila magabot ng pera ke Tatay mo. Pang-gamot.
Ellay: Nalulungkot ka, Nay?
Nanay: Oo pero natanggap ko na na kung kukunin ako ni Lord, hanggang dun na lang talaga.
Ellay: Oo nga. Kung tutuusin, mahaba na din ipinagkaloob nya sa inyo. Yung iba nga, trenta pa lang, tsugi na. Hindi na nila nakita yung mga anak nila.
Nanay: *tumango lang*
Ellay: Pero ako, hindi nyo na makikita mag-asawa no?
Nanay: *natawa* Hindi na.
Ellay: Hahaha De, bukas, magaasawa na ako!
Nanay: *ngumiti lang*
Ngumiti lang si Nanay pero yung mata niya, nararamdaman ko, may lumbay. Nagaalala siguro sya na maiiwan nya kami. Maski kelan kasi hindi nya iniwan tong pamilya nya para maglakwatsa. Lagi syang nagluluto, nagaasikaso. Kung minsan lalabas sya para mag-tong its o mag-majong, sigurado un, maayos na ung bahay bago sya umalis.
Nanay: Hinahanap ko ung luto ko.
Ellay: *tinignan ko lang sya. Hindi ko kagad nagets*
Nanay: Gusto ko uli magluto.
Ellay: *ngumisi lang*
Nanay: Naisip ko, nung ung Nanay ko, kahit matanda na sya, maski wala na syang silbi non, nakahiga lang, masaya sa loob na napagsisilbihan ko sya. Kahit wala na syang ginagawa, nagiisip bata, basta andyan lang sya, okay sa akin. (ung Nanay kasi ni Nanay bale lola ko sa tuhod, namatay ng 99 years old. Naabutan ko pa sya. Namatay ata sya highschool na ako. As in matanda na talaga. Naligwak lang sya dahil sa katandaan. Wala kasing sakit un eh)
Ellay: Wala syang sakit dati Nay eh no? E kayo, ano gusto nyo, mabuhay ng matagal pero may sakit o mawala na tapos magpapahinga na lang kayo.
Nanay: Oo nga...
Etong mga susunod na salita, mabagal kong sinasabi dahil kinokontrol ko ung boses kong manginig, tsaka ung luha kong mamuo sa mata ko.
Ellay: Basta Nay, pag wala ka na, aalis na lang ako ha? Magaabroad na lang ako.
Nanay: Ikaw ang bahala.
Ellay: Magiipon na lang muna ako pag wala ka na.
Nanay: *kumakain lang ng Sky Flakes habang sinasawsaw sa gatas*
Pero kahit na anong pigil ko sa nararamdaman ko, lumabas din sya. Hindi ko matignan sa mukha si Nanay habang naginginig ung boses ko. Lumabo ung mata ko dahil sa luha.
Ellay: Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko pag wala ka na e.
Nanay: E di mag-ayos ka ng sarili mo. Pag wala na ako, lilinisin mo ung kwarto mo.
Ellay: Hindi, aalis na lang ako. Maghahanap na lang ako ng papatirahin sa kwarto ko.
Natapos ang usapan namin nung saktong maubos na ung gatas nya. Hinugasan ko ung pinaginuman nya, nagCR sya uli, binuhusan ko ng dalawang beses yung inidoro, tsaka ko sya hinatid sa higaan nya.
Magaalas-dos na ng madaling araw. Nagpaalam na ako ke Nanay na hindi na ako bababa. E pano daw pag tumuktok sya? Sabi ko, sige lang. Katok ka lang. Basta pag kumatok ka, bababa ako. Matulog na kayo. Good night, sabi ko.
Eto, kakasilip ko lang sa kanya uli. Natutulog na sya. Nakatagilid sa kaliwa dahil nga sa sementado ung kanan nyang braso. Matutulog na din ako. Pero pipilitin kong magising sa awa ng Dios pag tumuktok sya. Hindi ko kasi alam kung hanggang kelan ko sya pwedeng mapagsilbihan sa kahit maliit na paraan lang. Basta pag narinig ko ung tuktok nya sa hagdanan, babangon ako, awa at tulong ng Dios... kahit anong oras pa.
No comments:
Post a Comment